Pagluluto:Camaron Rebosado
Itsura
Sangkap
[baguhin]½ | kilo | malalaking hipon |
½ | kutsarita | asin |
1 | kutsara | katas ng kalamansi |
Batter
[baguhin]1 | piraso | itlog, bahagyang binati |
1 | tasa | malamig na tubig |
1 ½ | kutsarita | baking powder |
1 ½ | tasa | arina |
¼ | kutsarita | asin |
1 | tasa | mantikang pamprito |
Sweet and Sour Sauce
[baguhin]1 | tasa | tubig |
1 | kutsarita | asukal |
2 | kutsara | ketchup |
1 ½ | kutsarita | hot sauce |
¼ | kutsarita | asin |
1 | kutsarita | cornstarch na tinunaw sa kaunting tubig |
Paraan ng pagluto
[baguhin]- Balatan ang hipon pero huwag tanggalin ang mga buntot.
- Hiwaan sa likod para matanggal ang itim na ugat.
- Hiwa-hiwaan ng bahagya ang hipon para hindi kumulot kapag pinirito.
- Ibabad sa asin at katas ng kalamansi.
Para sa paghahanda ang batter
[baguhin]- Paghaluin ang itlog at tubig.
- Idagdag ang baking powder, arina at asin.
- Haluing maigi.
- Ilubog ang hipon sa batter at iprito sa mainit na mantika hanggang lumutong.
- Ihain kasama ng sweet and sour sauce.
Para sa paghahanda ang sweet and sour sauce
[baguhin]- Paghaluin sa maliit na kaserola ang tubig, asukal, ketchup, hot sauce at asin.
- Pakuluin.
- Palaputin ng tinunaw na cornstarch.