Pagluluto:Callos
Itsura
Sangkap
[baguhin]½ | kilo | goto, nilinis |
1 | piraso | maliit na pata ng baboy |
2 | tangkay | kutsay |
1 | piraso | laurel |
½ | tasa | sherry o white wine |
½ | kutsarita | asin pantimpla |
½ | kutsarita | paminta pantimpla |
¼ | tasa | liquid seasoning pantimpla |
6 | kutsara | mantika |
3 | hiwa | bacon, tinadtad |
2 | piraso | chorizo bilbao, hiniwang pabilog |
2 | piraso | sibuyas, tinadtad |
2 | butil | bawang, dinikdik |
1 | lata | tomato paste |
2 | piraso | katamtamang laki ng siling berde (green bell pepper), hiniwang pahaba |
1 | lata | pimiento, hiniwang pahaba |
1 | maliit na lata | garbansos (green peas), luto |
Paraan ng pagluto
[baguhin]- Pakuluan ang goto at pata hanggang lumambot.
- Ilipat sa isang kaserola kasama ng kutsay, laurel, wine at pantimpla (asin, paminta, liquid seasoning).
- Lagyan ng kaunting tubig at pakuluan.
- Palambutin nang husto.
- Palamigin.
- Hanguin at hiwaing pakuwadrado.
- Sa kawali, painitin ang mantika at igisa ang bacon, chorizom sibuyas, at bawang.
- Isama ang goto, pata, at tomato paste.
- Timplahan ayon sa panlasa.
- Hayaang maluto at kung matuyuan ay dagdagan ng tubig o sabaw.
- Isama ang sili, pimiento at garbansos.
- Lutuin ng mga 2 minuto at patayin ang apoy.