Pumunta sa nilalaman

Pagluluto:Bulanglang

Mula Wikibooks

Sangkap

[baguhin]
1 kutsara mantika
2 butil bawang, tinadtad
1 piraso sibuyas, tinadtad
2 piraso kamatis, tinadtad
¼ tasa karne ng baboy, hiniwang manipis at pakuwadrado
2 kutsara bagoong alamang
2 hiwa kalabasa, hiniwang pakuwadrado
½ tasa tubig
1 tali sitaw, hiniwang 2" ang haba
1 guhit bataw
1 piraso ampalaya, hiniwang 1" ang haba
1 tali kangkong, hiniwang 2" ang haba
2 piraso talong, hiniwang 1" ang haba

Paraan ng pagluto

[baguhin]
  1. Sa kawali, painitin ang mantika at igisa ang bawang, sibuyas at kamatis.
  2. Idagdag ang karne at sangkutsahin.
  3. Isama ang bagoong, kalabasa at tubig at hayaang kumulo.
  4. Idagdag ang iba pang mga gulay at hayaang maluto.
  5. Ihain nang mainit.