Pumunta sa nilalaman

Pagluluto:Buko Pie

Mula Wikibooks

Sangkap

[baguhin]

Palaman

[baguhin]
1 tasa asukal
tasa cornstarch
1 tasa sabaw ng buko
1 tasa gatas ebaporada
1 kutsarita vanilla
2 tasa ginayat na buko

Crust

[baguhin]
2 tasa arina
½ kutsarita asin
1 kutsarita asukal
½ tasa mantikilya
¼ tasa shortening
5-6 kutsara malamig na tubig
1 tasa eggwash

Paraan ng pagluto

[baguhin]
  1. Painitin ang oven sa 375°F.
  2. Ihanda ang 8-inch pie plate.
  3. Sa kaserola, paghaluin ang asukal at cornstarch.
  4. Ibuhos ang sabaw ng buko at gatas.
  5. Lutuin hanggang lumapot.
  6. Idagdag ang vanilla at buko.
  7. Palamigin.
  8. Sa isang mangkok, paghalutn ang arina, asin at asukal.
  9. Idagdag ang mantikilya at shortening.
  10. Haluing maigi.
  11. Magdagdag ng sapat na tubig para makabuo ng masa.
  12. Hatiin ang masa sa dalawa na mas malaki ang isang bahagi.
  13. Kunin ang mas-malaking bahagi at padaanan ng rolling pin hanggang maging manipis at maging kasinlaki ng pie plate.
  14. Ilipat sa pie plate para matakpan ang ilalim at mga gilid nito.
  15. Ibuhos ang palaman.
  16. Panipisin ang natirang masa at takpan ang palaman.
  17. Pisilin ang mga gilid para magdikit ang dalawang crust.
  18. Maglagay ng singawan sa pamamagitan ng pagtusok ng tinidor sa ibabaw ng crust.
  19. Pahiran ng eggwash.
  20. Hurnuhin nang 25 o 30 minuto o hanggang pumula ang crust.
  21. Palamigin bago hiwain.