Pagluluto:Bukayo
Itsura
Sangkap
[baguhin]2 | piraso | kinudkod na niyog |
2 | dahon | pandan |
1 | kilo | asukal na pula |
2 | kutsara | vanilla extract |
2 | tasa | buko juice |
½ | tasa | cornstarch |
1 | tasa | tubig |
Paraan ng pagluto
[baguhin]- Sama-samang pakuluin ang buko juice, asukal at dahon ng pandan hanggang matunaw at maging malapot.
- Ilagay ang vanilla extract. Alisin ang dahon ng pandan.
- Iluto ang kinudkod na niyog sa may kawali na may konting mantika hanggang maging medyo mamula-mula ito.
- Ilagay ang syrup at palaputin ito sa pamamagitan ng paglalagay ng tinunaw na cornstarch sa tubig.
- Patuloy na haluin upang ang syrup ay kumalat ng mabuti sa kinudkod na niyog, palaputin at lutuin maigi ang bukayo.
- Kung luto na, isalin ang bukayo sa mangkok.
- Bilugin ng maliit habang mainit pa.