Pagluluto:Buffalo Wings
Itsura
Sangkap
[baguhin]| 1 | kilo | pakpak ng manok |
| ¼ | tasa | mantikilya |
| ¼ | tasa | hot sauce |
| 1 | kutsara | suka |
| ½ | tasa | mantika |
| ½ | kutsarita | asin |
| ½ | kutsarita | paminta |
Paraan ng pagluto
[baguhin]- Budburan ng asin at paminta ang manok.
- Ilagay sa isang tabi.
- Sa isang malalim na kaldero, magpainit ng mantikang pamprito.
- Iprito dito ang manok hanggang sa ito’y lumutong.
- Patuluin sa paper towel ang nalutong manok.
- Sa isang sauce pan, tunawin ang mantikilya.
- Isunod ang hot sauce at suka. Haluin mabuti.
- Kapag nagsama-sama ang lahat ng timpla, ilagay ang manok upang mabalutan ito ng sauce.
- Masarap na isawsaw sa blue cheese dip.