Pagluluto:Brunswick Stew
Itsura
Sangkap
[baguhin]1 ½ | kilo | manok, hiniwang katamtaman ang laki |
½ | kutsarita | asin |
½ | kutsarita | paminta |
¼ | tasa | mantika |
½ | tasa | hiniwang sibuyas |
1 | kilo | kamatis (banlian, balatan, tanggalan ng buto at tadtarin) |
1 | kutsara | Worcestershire sauce |
1 ½ | tasa | chicken veloute |
¼ | tasa | white wine |
½ | tasa | de-latang mais |
1 | tasa | lutong lima beans |
½ | tasa | hiniwang pakuwadradong siling berde |
¼ | kutsarita | cayenne pepper |
Paraan ng pagluto
[baguhin]- Timplahan ang manok ng asin at paminta.
- Painitin ang kalahati ng mantika at papulahin ang manok.
- Itabi.
- Sa isang kaserola, painitin ang natitirang mantika at igisa ang sibuyas.
- Isama ang kamatis at sangkutsahin.
- Ihalo ang Worcestershire sauce, chicken veloute, manok at white wine.
- Timplahan at hayaang maluto ng 30 minuto o hanggang lumambot ang manok.
- Idagdag ang mais, lima beans, siling berde at cayenne.
- Lutuin pa ng 15 minuto.