Pagluluto:Brownies
Itsura
Sangkap
[baguhin]½ | tasa | mantikilya, pinalambot |
1 | tasa | asukal |
2 | piraso | itlog |
2 | tasa | arina |
½ | kutsarita | baking soda |
½ | kutsarita | asin |
½ | tasa | cocoa powder |
1 | kutsarita | vanilla |
⅓ | tasa | tubig |
½ | tasa | tinadtad na kasuy |
Paraan ng pagluluto
[baguhin]- Painitin ang Oven sa 350°F.
- Pahiran ng kaunting mantika o shortening ang isang 9-inch na kuwadradong baking pan.
- Sa isang mangkok, batihin ang mantikilya hanggang lumambot.
- Ihalo ang asukal.
- Isa-isang ihalo ang itlog at batihing maigi.
- Idagdag ang nalalabing mga sangkap maliban sa kasuy.
- Haluing maigi at pagkatapos ay ibuhos sa hinandang baking pan. #Paibabawan ng kasuy.
- Isalang sa oven ng 25-30 minuto o hanggang mabuo.
- Palamigin bago hiwain.