Pumunta sa nilalaman

Pagluluto:Bringhe

Mula Wikibooks

Sangkap

[baguhin]
2 buo niyog, ginadgad
4 tasa maligamgam na tubig
4 kutsara mantika
3 butil bawang, dinikdik
1 piraso sibuyas, tinadtad
1 buo manok, hiniwa sa maliliit na piraso
¼ kutsarita asin
¼ kutsarita paminta
5 kutsara katas ng luyang dila
4 tasa bigas na malagkit, hinugasan
1 piraso siling berde, inihaw, tinalupan hiniwang pakuwadrado
2 piraso nilagang itlog, hiniwang pahaba

Paraan ng pagluto

[baguhin]
  1. Gataan ang niyog sa maligamgam na tubig.
  2. Salain at itabi.
  3. Sa kawali, painitin ang mantika at igisa ang bawang, sibuyas at manok.
  4. Sangkutsahin.
  5. Timplahan ng asin, paminta at katas ng luya.
  6. Isama ang malagkit at ibuhos ang gata.
  7. Takpan at hayaang maluto at matuyuan.
  8. Takpan ng dahon ng saging.
  9. Ibaligtad sa bandehado at palamutian ng sili at hiniwang itlog.