Pagluluto:Braised Beef Shanks
Itsura
Sangkap
[baguhin]| 10 | hiwa | beef shanks o biyas ng baka (¼ kilo ang bawat isa) |
| ½ | kutsarita | asin |
| ½ | kutsarita | paminta |
| ½ | kutsarita | paprika |
| ¼ | tasa | mantika |
| ¼ | tasa | mantikilya |
| ½ | tasa | tinadtad na sibuyas |
| ½ | tasa | tinadtad na carrot |
| ½ | tasa | tinadtad na celery |
| 2 | kutsara | tomato paste |
| ½ | tasa | red wine |
| 2 | tasa | brown sauce |
| 4 | tasa | sabaw ng baka |
| ½ | kutsara | dinurog na pamintang buo |
| 1 | piraso | dahon ng laurel |
| 1 | tasa | tinadtad na parsley |
| ½ | kutsara | mantikilya |
| ½ | kutsara | tinadtad na balat ng lemon |
| ½ | kutsarita | caraway seeds, tinadtad |
Paraan ng pagluto
[baguhin]- Timplahan ang biyas ng asin, paminta at paprika.
- Papulahin sa mainit na mantika.
- Isantabi.
- Sa kaserola, painitin ang mantikilya at igisa ang sibuyas, carrot at celery.
- Sangkutsahin bago idagdag ang tomato paste.
- Lutuin ng 2 minuto.
- Isama ang red wine, brown sauce at sabaw ng baka.
- Pakuluin.
- Timplahan at idagdag ang biyas at laurel.
- Lutuin hanggang lumambot ang biyas.
- Para sa Gremolata, Paghaluin ang mantikilya, tinadtad na balat ng lemon at caraway seeds.
- Ihalo ito sa sarsa ng biyas.
- Paibabawan ng parsley.