Pagluluto:Bouillabaise
Itsura
Sangkap
[baguhin]½ | tasa | olive oil |
½ | tasa | tinadtad na sibuyas |
2 | tasa | tinadtad na kamatis (banlian, balatan, at tanggalan ng buto bago tadtarin) |
1 | kutsara | tinadtad na bawang |
1 | kutsara | tinadtad na fennel |
2 | kutsara | tomato paste |
½ | kilo | fish fillet, hiniwang pakuwadrado |
½ | kilo | hipon, binalatan |
½ | kilo | halaan, binabad sa tubig na may asin |
½ | kilo | tahong |
½ | kilo | buntot ng ulang |
5 | tasa | sabaw ng isda |
1 | kutsarita | ginadgad na balat ng orange |
⅛ | kutsarita | celery seeds |
3 | kutsara | tinadtad na parsley |
1 | dahon | laurel |
½ | kutsarita | asin |
½ | kutsarita | paminta |
1 | piraso | French bread, hiniwa |
Paraan ng pagluto
[baguhin]- Sa isang kaserola, painitin ang mantika at igisa ang sibuyas hanggang lumambot.
- Isama ang kamatis, bawang, fennel at tomato paste.
- Sangkutsahin.
- Idagdag ang mga lamang-dagat.
- Lutuin ng 5 minuto.
- Ibuhos ang sabaw ng isda at pakuluin.
- Hinaan ang apoy at isama ang saffron, balat ng orange, celery seeds, parsley at laurel.
- Lutuin ng 15-20 minuto.
- Timplahan.
- Maglagay ng isang hiwa ng tinapay sa bawat mangkok bago sandukan ng mainit na sabaw.