Pagluluto:Borracho
Itsura
Sangkap
[baguhin]Cake
[baguhin]| 8 | piraso | pula ng itlog |
| ¼ | tasa | tubig |
| ½ | tasa | asukal |
| 1 | tasa | cake flour |
| 1 | kutsarita | baking powder |
| 8 | piraso | puti ng itlog |
| ½ | tasa | asukal |
Cream Filling
[baguhin]| 1 ½ | tasa | asukal |
| ¼ | tasa | arina |
| 3 | tasa | gatas ebaporada |
| 6 | piraso | pula ng itlog, binating bahagya |
| ½ | tasa | mantikilya |
Meringue
[baguhin]| 3 | piraso | puti ng itlog |
| 1 | kutsarita | cream of tartar |
| ⅓ | tasa | asukal |
| 1 | tasa | rum |
Paraan ng pagluto
[baguhin]- Painitin ang oven sa 350°F
- Maghanda ng isang 13 x 9 x 2-inch rectangular baking pan.
- Sa mangkok, batihin ang pula ng itlog at tubig.
- Idagdag ang asukal at batihin hanggang lumapot.
- Paghaluin ang arina at baking powder.
- Ihalo sa binating pula ng itlog.
- Sa mixer, batihin ang puti ng itlog hanggang soft peaks stage.
- Dahan-dahang ibuhos ang asukal at batihin hanggang stiff peaks stage.
- Masinsing ihalo ang binating pula ng itlog.
- lbuhos sa baking pan at isalang ng 30-40 minuto o hanggang maluto.
Para sa Cream Filling
[baguhin]- Paghaluin ang asukal at arina sa kaserola.
- Ibuhos ang gatas at lutuin hanggang lumapot.
- Magdagdag ng kaunting mainit na gatas sa binating pula ng itlog.
- Haluing maigi at saka ibalik sa kaserola.
- lsama ang mantikilya.
- Isalang pa nang 5 minuto.
Para sa Meringue
[baguhin]- Batihin ang puti ng itlog at cream of tartar hanggang soft peaks stage.
- Idagdag ang asukal at batihin hanggang stiff peaks stage.
- Ilagay ang nalutong cake sa isang oven proof na tray.
- Buhusan ito ng rum.
- Paibabawan ng nilutong cream filling.
- Takpan ng meringue ang buong cake.
- lbalik ang cake sa oven at hayaang pumula ang meringue.