Pumunta sa nilalaman

Pagluluto:Bopis

Mula Wikibooks

Sangkap

[baguhin]
1 kilo baga at puso ng baboy
2 piraso sibuyas
4 piraso kamatis
2 piraso siling pula, tinadtad
3 butil bawang
¾ tasa suka
½ kutsarita asin
½ kutsarita pamintang durog
2 tasa tubig

Paraan ng pagluto

[baguhin]
  1. Pakuluan nang ilang sandali sa tubig ang baga.
  2. Hugasan at tadtarin nang pino.
  3. Tadtarin din nang maliliit ang puso ng baboy.
  4. Hiwang panggisa ang gawin sa sibuyas at kamatis.
  5. Pitpitin ang bawang.
  6. Papulahin sa mantikang kumukulo ang bawang.
  7. Isunod ang kamatis at sibuyas
  8. Ihulog nang magkasabay ang baga at puso.
  9. Sabawan ng 1 tasang tubig.
  10. Timplahan ng asin at pamintang durog.
  11. Takpan at hayaang kumulo.
  12. Kapag natuyuan ng sabaw, lagyan ng 1 tasang tubig at suka.
  13. Huwag hahaluin. Takpan at hayaang kumulo.
  14. Isama ang tinadtad na siling pula.
  15. Hintayin matuyuan ng sabaw bago hanguin.