Pagluluto:Bola-bolang Mais Mexicali
Itsura
Sangkap
[baguhin]1 ¼ | kilo | giniling na baka |
2 | piraso | hilaw na itlog |
4 | kutsara | sili, ginayat na pino |
4 | kutsara | sinuyas, ginayat na pino |
2 | lata | tomato sauce |
1 ½ | tasa | tubig |
1 ¼ | kutsarita | pulbos chili |
1 | lata | butil ng mais |
1 | tasa | durog na cracker |
½ | kutsarita | asin |
Paraan ng pagluto
[baguhin]- Paghalu-haluin ang giniling na baka, asin, itlog, at dinurog na cracker at gawing maliliit na bola-bola.
- Iprito at itabi muna.
- Gisahin ang sibuyas at sili.
- Idagdag ang tomato sauce, tubig at pulbos ng chili.
- Bayaang kumulo.
- Lagyan ng kaunting asin para magkalasa.
- Idagdag ang bola-bola at mais.
- Bayaang kumulo ng unti-unti.