Pagluluto:Bola-bolang Kasoy-Keso
Sangkap
[baguhin]1 | tasa | butil ng kasoy, giniling |
1 | tasa | dinurog na cracker |
1 | tasa | giniling na baboy |
½ | tasa | niyadyad na keso |
3 | piraso | itlog, hilaw |
½ | tasa | sibuyas, tinadtad na pino |
1 | kutsarita | bawang, dinikdik |
1 | kutsarita | asin |
Paraan ng pagluto
[baguhin]- Paghaluin ang lahat ng mga sangkap.
- Gawing mga bola-bola at prituhin na lubog sa mantika.
- Ilagay ang mga bola-bola sa isang tuyong bandeha at buhusan ng tomato sauce.
- Budburan ng isa pang ½ tasang keso.
- Ihurno sa 350°F sa loob ng 30 minuto.
- Kung walang makuhang hurnuhan, pakuluing dahan-dahan sa kaunting apoy sa loob ng 5-10 minuto.