Pagluluto:Boiled Brisket with Vegetables
Sangkap
[baguhin]1 | galon | tubig |
1 | tasa | tinadtad na sibuyas |
1 | tasa | tinadtad na carrot |
1 | tasa | tinadtad na celery |
1 | tasa | tinadtad na leeks |
1 ½ | kilo | punta y pecho o brisket |
1 | dahon | laurel |
1 | kutsara | dinurog na pamintang buo |
¼ | kutsarita | asin |
10 | piraso | sibuyas tagalog |
10 | piraso | katamtamang laking patatas, hinati |
10 | piraso | maliliit na carrot |
2 | ulo | repolyo, hiniwa |
Paraan ng pagluto
[baguhin]- Sa isang kaserola, paghaluin ang tubig, sibuyas, carrot, celery, leeks, baka (brisket), laurel, paminta at asin.
- Pakuluin.
- Hinaan ang apoy at isalang ng 2 ½ - 3 oras o hanggang lumambot ang baka.
- Alisin ang nabubuong scum sa ibabaw ng sabaw.
- Hanguin ang baka at salain ang sabaw. # Isalin ang sabaw sa panibagong kaserola at pakuluin.
- Isara ang mga gulay at lutuin hanggang lumambot.
- Iayos ang nalutong baka at mga gulay sa pinggan.
- Basain ng kaunting sabaw.
- Kasamang ihain ang mainit na sabaw.