Pagluluto:Bistek
Itsura
Sangkap
[baguhin]6 | hiwa | beef tenderloin o pinakamalambot na bahagi ng pigi ng baka |
1 | kutsara | katas ng kalamansi |
1 | kutsara | toyo |
1 | kutsarita | asin |
1 | kutsarita | paminta |
3 | kutsara | mantika |
1 | piraso | sibuyas, hiniwang pabilog |
Paraan ng pagluto
[baguhin]- Ibabad ang karne sa kalamansi, toyo, asin at paminta.
- Painitin ang mantika sa kawali at iprito ang karne.
- Isalin sa bandehado.
- Sa natitirang mantika ay igisa ang sibuyas.
- Ibalik ang bistek at lutuin hanggang lumambot.
- Magdagdag ng tubig kung kinakailangan.