Pagluluto:Binalot na Repolyo
Itsura
Sangkap
[baguhin]1 | piraso | kainamang laking repolyo |
1 | tasa | giniling na baboy |
½ | tasa | tinadtad na celery |
½ | tasa | tinadtad na sibuyas |
¼ | tasa | tinadtad na siling berde |
¼ | tasa | mantika |
1 | tasa | kanin |
Paraan ng pagluto
[baguhin]- Pasingawan ang repolyo hanggang sa madaling matanggal ang mga dahon.
- Igisa ang mga gulay (maliban sa repolyo) sa mantika hanggang sa maging malasado.
- Idagdag ang giniling na baboy at mga pampalasa.
- Hayaan sa di-kainitang apoy ng ilan pang minuto.
- Ihalo ito sa kanin.
- Haluing mabuti, lagyan ng ½ tasa ng nilutong ito ang bawa't dahon ng repolyo, tiklupin ang mga dulo at balutin.
- Ihanay ang binalot na repolyo sa lutuang panghurno at buhusan ng tomato sauce.
- Ihurno sa loob ng isang oras sa mahinang init ng hurno.