Pagluluto:Binakol na Manok
Itsura
Sangkap
[baguhin]2 | kutsara | mantika |
1 | kutsara | dinikdik na bawang |
1 | piraso | maliit na sibuyas, tinadtad |
1 | piraso | maliit na luya, hiniwang manipis |
1 | kilo | manok, hiniwa sa katamtamang piraso |
5 | tasa | sabaw ng manok o tubig |
1 | kutsarita | patis pantimpla |
½ | kutsarita | paminta pantimpla |
3 | tasa | sabaw ng buko |
1 | tasa | tinadtad na laman ng buko |
1 | tali | dahon ng sili |
Paraan ng pagluto
[baguhin]- Painitin ang mantika sa kaserola.
- Igisa ang bawang, sibuyas at luya.
- Isama ang mga manok at papulahin ng bahagya.
- Ibuhos ang sabaw at timplahan ng patis at paminta ayon sa panlasa.
- Palambutin ang manok.
- Idagdag ang sabaw ng buko at ang mga laman.
- Pakuluin.
- Ilagay ang dahon ng sili bago patayin ang apoy.