Pagluluto:Binagoongang Baboy
Itsura
Sangkap
[baguhin]1 | kilo | laman ng baboy |
1 | ulo | bawang |
½ | kilo | kamatis, hinog |
1 | piraso | sibuyas |
2 | kutsara | toyo |
2 | kutsara | pamintang durog |
2 | tasa | bagoong alamang |
1 | piraso | dahon ng laurel |
1 | kutsara | asukal |
Paraan ng pagluto
[baguhin]- Sa kawali, igisa ang bawang at kamatis.
- Duruging maigi ang kamatis hanggang kumatas.
- Idagdag ang sibuyas.
- Ilagay ang baboy. Pakatasin ang baboy.
- Ilagay ang bagoong kapag namula na ang baboy.
- Ilagay ang toyo, paminta, laurel, at asukal.
- Takpan at hayaang kumulo sa mahinang apoy.
- Haluin ng bahagya at hayaang kumulo hanggang lumambot ang karne.
- Lagyan ng kaunting suka kung maalat.
- Hayaang kumulo.
- Ihain na may kasamang sariwang kamatis o nilagang okra sa tabi.