Pagluluto:Binagol
Itsura
Sangkap
[baguhin]¾ | tasa | kinudkod na hilaw na gabi |
1 | tasa | gata ng niyog (galing sa 2 katamtamang niyog) |
¾ | tasa | asukal na pula |
4 | buo | katamtamang laki ng malinis na bao ng niyog (4 ½" diyametro ang bilog at 2" taas) |
½ | lata | gatas kondensada |
Paraan ng paggawa
[baguhin]- Pagsama-samahin at lutuin habang hinahalo ng 6 na minuto ang unang 3 sangkap sa katamtamang lakas ng apoy.
- Hinaan ang apoy at lutuin pa ito ng 10 minuto.
- Idagdag ang gatas kondensada at lutuin pa ng 20 minuto, ituloy ang paghahalo.
- Lagyan ng niluto ang mga malinis na bao, gumawa ng butas sa gitna ng niluto at ilagay doon ang pula ng itlog.
- Takpan ng masa na niluto ang ibabaw.
- Hangurin ang masa sa ibabaw ng bao hanggang sa maging patag ito.
- Takpan ng 2 patong ng dahon ng saging ang bao at talian ito ng mahigpit.
- Lutuin sa pasingawan ng kalahating oras.
12 piraso ang magagawa nito.