Pagluluto:Biko
Itsura
Sangkap
[baguhin]| 2 | kilo | malagkit na bigas |
| 1 | lata | gatas na kondensada |
| 4 | tasa | tubig |
| 1 | kutsarang | vanilla |
| 1 | tasa | pulang asukal |
| 4 | piraso | niyog, kinudkod (itabi ang gata) |
Paraan ng pagluto
[baguhin]- Isaing ang malagkit na bigas.
- Ilagay ang asukal na pula, gata ng niyog, gatas na kondensada at vanilla sa kaserola.
- Haluin at pakuluin.
- Idagdag ang sinaing na malagkit na bigas at lutuin hanggang lumapot.
- Ilagay ng patag sa bilao na may dahon ng saging.
- Hiwain bago ihain.