Pagluluto:Bicol Express
Itsura
Sangkap
[baguhin]| 4 | tasa | sili, tinanggalan ng buto at hiniwa |
| 1 | kutsara | asin |
| 2 | tasa | gata (pangalawang katas) |
| 2 | tasa | sariwang alamang |
| ¼ | kilo | liempo, hiniwang pakuwadrado |
| 3 | butil | bawang, tinadtad |
| 1 | piraso | katamtamang laki na sibuyas, tinadtad |
| 1 | kutsarita | asin pantimpla |
| 1 | tasa | kakang-gata |
Paraan ng pagluto
[baguhin]- Ibabad ang sili sa tubig na may asin.
- Itabi ito ng 30 minuto.
- Banlawan at patuluin.
- Sa kawali, pakuluin ang gata, alamang, liempo, bawang, sibuyas at asin.
- Hinaan ang apoy at lutuin ng 10 minuto.
- Idagdag ang sili at lutuin hanggang mawala ang kalahati ng sabaw.
- Ibuhos ang kakang-gata at hayaan itong magmantika.