Pumunta sa nilalaman

Pagluluto:Bibingkang Malagkit

Mula Wikibooks


Sangkap

[baguhin]
2 tasa bigas na malagkit, hinugasan at pinatulo
2 tasa gata
1 tasa asukal
1 kutsarita asin

Pang-ibabaw

[baguhin]
1 tasa kakang gata
½ tasa asukal na pula

Paraan ng pagluto

[baguhin]
  1. Paghaluin ang malagkit na bigas at gata sa kawali.
  2. Lutuin sa katamtamang apoy hanggang matuyo at maluto ang bigas.
  3. Alisin sa apoy at timplahan ng asukal at asin.
  4. Painitin uli nang 5 minuto habang hmahalo-halo ng hindi masunog.
  5. Sapinan ng dahon ng saging ang bilao o baking pan.
  6. Isalin ang nilutong malagkit.

Paghanda ng pang-ibabaw

[baguhin]
  1. Paghaluin ang kakang gata at asukal na pula.
  2. Ibuhos sa ibabaw ng malagkit.
  3. Ihumo hanggang pumula ang pang-ibabaw.