Pagluluto:Bibingkang Cassava
Sangkap
[baguhin]2 | tasa | ginadgad na kamoteng-kahoy o cassava |
2 | piraso | itlog |
1 | tasa | asukal |
¾ | tasa | gatas ebaporada |
¼ | tasa | gatas kondensada |
½ | tasa | gata |
¼ | tasa | tinunaw na mantikilya |
¼ | tasa | ginadgad na keso |
Paraan ng pagluto
[baguhin]- Sa mangkok, paghaluing maigi ang kamoteng-kahoy, itlog, asukal, mga gatas at mantikilya.
- Magsala ng isang tasang sabaw nito at itabi para sa pang-ibabaw.
- Ibuhos ang pinaghalong sangkap sa pan na sinapinan ng nilantang dahon ng saging.
- Ihurno sa oven sa init na 350°F hanggang mabuo.
- Isalin sa kaserola ang tinabing isang tasang sabaw.
- Lutuin ito sa mahinang apoy hanggang lumapot.
- Ibuhos sa ibabaw ng bibingkang naluto.
- Budburan ng keso.
- Isalang ulit sa oven hanggang pumula.