Pagluluto:Bibingka
Itsura
Sangkap
[baguhin]2 | kilo | malagkit na bigas, hugasan, ipagiling at sinalin |
1 | tasa | kaning lamig |
2 | tasa | asukal na puti |
5 | kutsara | baking powder |
1 | piraso | itlog, binati |
1 | kutsarita | asukal na puti |
1 | pirasoaa | itlog na maalat, hating manipis at pabilog |
1 | kutsara | margarina |
Paraan ng pagluto
[baguhin]- Samahan ang galapong ng kaning lamig at asukal na puti.
- Haluing mabuti at lagyan ng baking powder.
- Tuwing maglagay ng galapong sa hurnuhan, haluan ng isang binating itlog.
- Ihurno ng may dahon ng saging sa hurnuhan.
- Ibuhos ang isang tasang galapong at samahan ng itlog na maalat.
- Lutuin sa baga sa ilalim at sa ibabaw ng bibingka, sa loob ng kalahating oras.
- Kapag luto na, pahiran ng margarina at isang kutsaritang asukal na puti.
- Ihain kasama ng kinudkod na niyog.