Pumunta sa nilalaman

Pagluluto:Beef na may Cauliflower

Mula Wikibooks

Sangkap

[baguhin]
¼ kilo sirloin, hiniwa ng manipis at pahaba
2 kutsarita asin
2 kutsarita rice wine o sherry
1 kutsarita cornstarch
¼ tasa mantika
¼ kilo cauliflower, pinira-piraso
3 tasa tubig
2 tangkay kutsay, hiniwa ng 1" ang haba
1 maliit na lata mushrooms, hiniwa
1 kutsara toyo

Paraan ng pagluto

[baguhin]
  1. Ilagay sa isang mangkok ang karne, 1 kutsarita ng asin, alak at cornstarch.
  2. Haluin at pabayaang mababad ng 20 minuto.
  3. Initin sa kawali ang kalahati ng mantika.
  4. Isangkutsa ang mga gulay at nalalabing asin.
  5. Samahan ng kaunting tubig para lumambot ng bahagya.
  6. Hanguin.
  7. Sa natitirang mantika ay papulahin ang karne.
  8. Magdamag ng kaunting sabaw ng manok o tubig kung kailangan.
  9. Lutuin hanggang lumambot.
  10. Idagdag ang mushrooms, toyo at mga gulay.
  11. Lutuin ng mga ilang minuta pa.