Pagluluto:Beef Tips with Cashew
Itsura
Sangkap
[baguhin]1 ½ | kilo | beef tenderloin tips |
½ | tasa | toyo |
¼ | tasa | rice wine |
1 | kutsarita | sesame oil |
3 | butil | sanque |
½ | tasa | asukal |
2 | kutsara | tinadtad na luya |
2 | tasa | sabaw ng baka |
½ | tasa | mantika |
3 | kutsara | cornstarch tinunaw sa |
½ | tasa | tubig |
⅔ | tasa | gisantes |
4 | piraso | tuyong shiitake mushrooms, pinalambot sa tubig at hiniwang manipis |
2 | piraso | sibuyas na mura, hiniwa |
¼ | tasa | tinuslang kasuy |
Paraan ng pagluto
[baguhin]- Ibabad ang baka sa toyo, rice wine, sesame oil, sanque, asukal, luya at sabaw ng baka ng 3 oras o magdamag sa repridyerator.
- Patuluin at itabi ang pinagbabaran.
- Prituhin ang baka sa mainit na mantika hanggang pumula.
- Isalin sa pinggan.
- Isalin ang pinagbabaran sa isang kaserola at pakuluin hanggang mangalahati.
- Palaputin ng tinunaw na cornstarch.
- Lutuin ng 10 minuto.
- Ihalo ang baka.
- Lutuin pa ng 5 minuto.
- Isama ang gisantes at mushrooms.
- Paibabawan ng sibuyas na mura at tinustang kasuy at ihaing kasama ng mainit na sinaing.