Pagluluto:Beef Stroganoff
Itsura
Sangkap
[baguhin]½ | kilo | sirloin, hiniwang manipis |
2 | kutsara | mantikilya |
1 | tasa | hiniwang mushroom |
2 | piraso | sibuyas, tinadtad |
1 | butil | bawang, tinadtad |
2 | kutsara | mantikilya |
½ | tasa | tubig |
1 | piraso | beef bouillon cube |
½ | kutsarita | asin |
½ | kutsarita | paminta |
1 | tasa | sour cream |
½ | kutsarita | mustard |
Paraan ng pagluto
[baguhin]- Painitin ang mantikilya sa kawali at igisa ang mushrooms, bawang at sibuyas. Isalin sa pinggan.
- Magdagdag ng mantikilya sa kawali. Iprito ang karne hanggang pumula.
- Idagdag ang tubig, bouillon cube at timplahan ayon sa panlasa.
- Hintaying kumulo at pagkatapos ay hinaan ang apoy.
- Takpan at palambutin ang karne.
- Ilagay ang ginisang mushrooms.
- Ibuhos ang sour cream at mustard.
- Painitin nang hindi kumukulo.
- Maaring ibuhos sa ibabaw ng mainit na kanin.