Pagluluto:Beef Stew
Itsura
Sangkap
[baguhin]| 1 | kilo | baka, hiniwa nang tig-1 ½ pulgada |
| 4 | piraso | bacon |
| 4 | ulo | bawang, pinitpit |
| 1 | piraso | katamtamang laki ng sibuyas, tinadtad |
| 3 | piraso | siling pula at berde, hiniwa nang pahaba |
| 5 | piraso | patatas, hiniwa sa apat na bahagi at bahagyang prinito |
| 1 | tasa | gisantes |
| 2 | lata | tomato sauce |
| 2 | kustsara | asin |
| 2 | kutsara | bread crumbs |
| 2 | piraso | carrots, hiniwa nang pakuwadrado |
| 1 | piraso | dahon ng laurel |
| 1 ½ | tasa | tubig |
Paraan ng pagluto
[baguhin]- Prituhin ang bacon sa isang kawali sa mahinang apoy hanggang lumabas ang mantika nito at maging malutong.
- Ilagay sa isang tabi.
- Sa parehong kawali, ilagay ang bawang at karne.
- Prituhin ang karne hanggang mamula.
- Idagdag ang sibuyas at tomato sauce.
- Haluin at pakuluin nang 5 minuto.
- Idagdag ang tubig, laurel at timplahan ng asin.
- Pakuluan hanggang lumambot ang karne.
- Dagdagan ng kaunting tubig kapag medyo natutuyuan.
- Kapag malapit nang maluto, ilagay ang gisantes, bread crumbs, siling pula at berde, carrots at piniritong patatas.
- Lutuin ng 10 minuto.
- Para lumapot ang sabaw, lagyan ng biskotso.
- Palamutian ng bacon sa ibabaw kapag ihahain na.