Pagluluto:Beef Pot Roast
Itsura
Sangkap
[baguhin]1 ½ | kilo | karne ng baka |
½ | kutsarita | asin |
½ | kutasrita | paminta |
½ | kutsarita | paprika |
1 | tasa | mantika |
1 | tasa | tinadtad na sibuyas |
1 | tasa | tinadtad na celery |
1 | tasa | tinadtad na leeks |
1 | tasa | tinadtad na carrot |
½ | tasa | tomato paste |
1 | galon | sabaw ng baka o tubig |
1 | piraso | dahon ng laurel |
1 | kutsara | pamintang buo, dinurog |
1 | kutsara | asin |
½ | kutsara | thyme |
½ | tasa | red wine |
brown roux | ||
½ | tasa | hiniwang julienne na carrots |
½ | tasa | hiniwang julienne na celery |
Paraan ng pagluto
[baguhin]- Timplahan ang baka ng asin, paminta at paprika.
- Sa kaserola, painitin ang kalahati ng mantika at papulahin ang karne. Itabi.
- Idagdag ang nalalabing mantika at igisa ang sibuyas, celery, leeks at carrots.
- Idagdag ang tomato paste.
- Sangkutsahin ng 2 minuto bago idagdag ang sabaw o tubig.
- Pakuluin at pagkatapos ay hinaan ang apoy.
- Isama ang baka, laurel, paminrang buo, asin, thyme at red wine.
- Lutuin hanggang lumambot ang karne, mga 2 dalawang oras.
- Tanggalin ang baka. Salain ang sarsa. Ibalik sa lutuan ang sarsa.
- Timplahan at palaputin ng brown raux.
- Hiwain ng manipis ang baka.
- Isama sa mainit na sarsa.
- Lutuin ang carrots at celery hanggang lumambot.
- Ihaing kasama ng baka.