Pagluluto:Beef Consomme
Itsura
Sangkap
[baguhin]| ½ | kilo | giniling na baka |
| 3 | puti ng itlog | |
| ¼ | tasa | tomato paste |
| ½ | tasa | tinadtad na sibuyas |
| ½ | tasa | tinadtad na celery |
| ½ | tasa | tinadtad na carrots |
| ¼ | tasa | tinadtad na leeks |
| 1 | dahon | laurel |
| ½ | kutsara | dinurog na pamintang buo |
| ½ | kutsara | tinadtad na dahon ng basil |
| ½ | kutsara | tinadtad na oregano |
| ½ | kutsarita | asin |
| 12 | tasa | sabaw ng baka |
Paraan ng pagluto
[baguhin]- Sa isang mangkok, paghaluin ang giniling, puti ng itlog, tomato paste, sihuyas, celery, carrots, leeks, laurel, paminta, basil, oregano at asin.
- Isalin sa kaserola kasama ng sabaw ng baka.
- Haluin hanggang kumulo.
- Hinaan ang apoy at isalang ng 2-3 minuto ng hindi hinahalo.
- Alisin sa apoy at palamigin.
- Salain sa katsa.
- Isalin sa malinis na kaserola at pakuluin uli.
- Timplahan ayon sa panlasa.
- Lutuin pa ng 5 minuto.