Pagluluto:Batsoy
Pumunta sa nabigasyon
Pumunta sa paghahanap
Sangkap[baguhin]
Noodle[baguhin]
2 | tasa | arina |
¼ | tasa | tubig |
1 | kutsarita | lihiya |
1 | kutsarita | asin |
Sabaw at ibang sangkap[baguhin]
1 | kilo | tadyang at buto-buto ng baboy |
½ | kilo | pigi ng baboy |
4 | tasa | tubig |
½ | kutsarita | asin pantimpla |
¼ | kilo | atay ng baboy |
¼ | kilo | hipon, nilaga, binalatan, at hinati sa gitna |
3 | buong | itlog, nilaga at hiniwa |
½ | tasa | piniritong bawang |
½ | tasa | tinadtad na sibuyas na mura |
½ | tasa | dinurog na sitsaron |
Paraan ng pagluto[baguhin]
Noodles[baguhin]
- Paghaluin lahat ng sangkap para sa noodles.
- Masahin hanggang kuminis.
- Padaanan ng rolling pin hanggang manipis na manipis.
- Idaan sa pasta machine.
- Putulin ng manipis at makitid.
- Ihulog sa kumukulong tubig na inasinan at lutuin hanggang lumambot.
Sabaw at ibang sangkap[baguhin]
- Pakuluan sa tubig ang tadyang, buto-buto, pigi at atay hanggang lumambot.
- Hanguin ang mga laman at hayaan pang kumulo ang sabaw.
- Timplahan ng asin at paminta ayon sa panlasa.
- Hiwain ang pigi at atay sa makikitid na piraso.
Paghahanda[baguhin]
- Sa isang mangkok, maglagay ng noodles.
- Paibabawan ng hiniwang karne, atay, hipon, itlog, bawang, sibuyas na mura at sitsaron.
- Ibuhos ang sabaw.
- Ihaing mainit na mainit.