Pagluluto:Barley Soup
Itsura
Sangkap
[baguhin]1 | kutsarita | clarified butter |
½ | tasa | hiniwang bacon |
½ | tasa | tinadtad na sibuyas |
½ | tasa | barley |
2 | litro | sabaw ng manok |
2 | kilo | buto ng hamon |
3 | pula ng itlog, binati | |
1 | tasa | cream |
½ | kutsarita | asin |
½ | kutsarita | paminta |
1 | tasa | hiniwang mushrooms |
2 | kutsara | tinadtad na parsley |
Paraan ng pagluto
[baguhin]- Sa kaserola, painitin ang mantikilya at igisa ang bacon at sibuyas.
- Ihalo ang barley at haluin hanggang mamantikaan.
- Ibuhos ang sabaw at isama ang buto ng hamon.
- Pakuluin.
- Patuloy na lutuin sa mahinang apoy hanggang lumambot ang barley.
- Ihalo ang pula ng itlog at cream.
- Hayaang uminit ng hindi kumukulo.
- Timplahan.
- Paibabawan ng hiniwang mushrooms at parsley.