Pagluluto:Bangus sa Tausi
Pumunta sa nabigasyon
Pumunta sa paghahanap
Sangkap[baguhin]
1 | buo | bangus na katamtaman ang laki |
1 | tangkay | sibuyas na mura, hiniwang ½" ang haba |
1 | piraso | maliit na luya, hiniwang pahaba |
1 | ulo | bawang, tinadtad |
2 | kutsarita | asukal |
1 | kutsarita | patis |
1 | kutsara | cornstarch |
2 | kutsara | mantika |
2 | kutsara | tausi |
Paraan ng pagluto[baguhin]
- Linisin ang bangus at hiwain sa likod o pandaing.
- Ilagay sa pinggan.
- Paghaluin ang natitirang mga sangkap.
- Ibuhos sa ibabaw ng isda.
- Pasingawan hanggang maluto.