Pagluluto:Baked Ziti
Sangkap
[baguhin]2 | kutsara | olive oil |
2 | kutsara | sibuyas, hiniwa nang pino |
2 | butil | bawang, dinikdik |
1 | piraso | carrot, hiniwa nang pakuwadrado |
4 | tali | maanghang na Italian sausage (o matamis kung gusto) |
¼ | kutsarita | asin |
¼ | kutsarita | paminta |
1 | kutsarita | oreganong tuyo |
¼ | tasa | sariwang parsley, hiniwa nang maliliit |
½ | tasa | red wine |
14 | onsa | kamatis, hiniwa nang maliliit |
¼ | kilo | Ziti pasta |
1½ | tasa | tuyong Mozzarella o Fontina Cheese, hiniwa nang pakwadrado |
3 | onsa | Parmesan cheese, bagong kudkod |
3 | binating itlog |
Paraan ng pagluto
[baguhin]- Hiwain ng ½ pulgada pabilog ang sausage.
- Lutuing mabuti.
- Hanguin at itabi.
- Igisa ang mga gulay hanggang lumambot.
- Idagdag ang mga gulay hanggang lumambot.
- Idagdag ang alak at lutuin hanggang halos matuyo na ito.
- Idagdag ang kamatis, asin, paminta, oregano, parsley, at sausage.
- Paigahin ng 60 minuto hanggang lumampot.
- Samantala, lutuin ang pasta hanggang maging al dente.
- Salain ang pasta, ilagay ang pasta, at haluing mabuti.
- Sa isang lalagyang ovenproof na pinahiran ng butter, maglagay ng ⅓ ng pasta, at budburan ng mozzarella o fontina cheese.
- Ilagay muli sa ibabaw ang natitira pang pasta saka budburan ng cheese.
- Ibuhos sa ibabaw ng pasta ang binating itlog saka budburan ng parmesan cheese.
- Lutuin sa oven na pinainit hanggang 400°F.
- Palamigin ng 5 minuto bago ihain.