Pagluluto:Baked Macaroni
Itsura
Sangkap
[baguhin]| 1 | 400-gramo pakete ng macaroni |
Karneng Palaman
[baguhin]| ¼ | tasa | mantika |
| 4 | butil | bawang, tinadtad |
| 1 | piraso | maliit na sibuyas, tinadtad |
| 1 | piraso | siling berde, hiniwang pakuwadrado |
| ½ | kilo | giniling na karne ng baka |
| ¼ | kilo | Sweet Ham, hiniwang pakuwadrado |
| 2 | tasa | tomato sauce |
| 2 | kutsara | ketsup |
| 2 | piraso | laurel |
| ¼ | kutsarita | asin |
| ¼ | kutsarita | paminta |
Bechamel Sauce
[baguhin]| ½ | tasa | mantikilya |
| 4 | kutsara | arina |
| 1 | lata | gatas ebaporada |
| 1½ | tasa | sabaw ng manok |
| 1 | lata | cream of mushroom soup |
Paraan ng pagluto
[baguhin]- Pakuluin ang macaroni ng ayon sa nakasukat sa pakete.
- Patuluin.
- Sa isang kawali, painitin ang mantika at igisa ang bawang at sibuyas.
- Idagdag ang sili at lutuin hanggang lumambot.
- Idagdag ang giniling at ham.
- Papulahin at pagkatapos ay ibuhos ang tomato sauce, ketsup, laurel, at pantimpla.
- Pakuluin at hinaan ang apoy.
- Lutuin hanggang lumapot ang sarsa.
- Ihalo ito sa nalutong macaroni.
- Isalin sa pang-hurnong lalagyan.
- Sa isang kaserola, painitin ang mantikilya at idagdag ang arina.
- Lutuin ng sandali at saka ibuhos ang gatas, sabaw at cream of mushroom soup.
- Palaputin.
- Ibuhos sa ibabaw ng macaroni.
- Hurnuhin sa oven na pinainit sa 350°F.
- Lutuin ng 20 o 30 minuto o hanggang matunaw ang keso at uminit ang macaroni.