Pumunta sa nilalaman

Pagluluto:Baked Fish in Soy Sauce

Mula Wikibooks

Sangkap

[baguhin]
10 piraso fish fillet (180 gramo ang bawat isa)
¼ kutsarita asin
¼ kutsarita paminta
10 piraso kalamansi
tasa mantikilya
½ tasa hiniwang sibuyas
½ tasa hiniwang julienne na carrot
½ tasa hiniwang julienne na celery
½ tasa nilinis na toge
½ tasa ginayat na repolyo
½ tasa hiniwang julienne na siling pula at berde
tasa toyo
tasa mainit na mantika
½ tasa hiniwang leeks

Paraan ng pagluto

[baguhin]
  1. Painitin ang oven sa 400°F.
  2. Timplahan ang mga isda ng asin, paminta at katas ng kalamansi.
  3. Isantabi.
  4. Pahiran ng kaunting mantika ang isang baking pan.
  5. Iayos dito ang mga isda.
  6. Paibabawan ang bawat hiwa ng isang kutsarang mantikilya.
  7. Isalang sa oven ng 30 minuto o hanggang maluto.
  8. Ilipat ang nalutong isda sa mga pinggan.
  9. Paibabawan ng sibuyas, carrots, celery, toge, repolyo at sili.
  10. Lagyan ng tig-iisang kutsarang toyo.
  11. Bago ihain ay buhusan ng tig-iisang kutsarang mainit na mantika.
  12. Paibabawan ng leeks.