Pagluluto:Baked Apple

Mula Wikibooks
Jump to navigation Jump to search

Sangkap[baguhin]

4 malalaking mansanas
¼ tasa brown sugar
1 kutsarita cinnamon
2 kutsara tinadtad na walnuts
1 kutsara mantikilya
¾ tasa kumukulong tubig
2 kutsara asukal

Paraan ng pagluto[baguhin]

  1. Tanggalin ang gitna ng mga mansanas ng hindi ito binibiyak.
  2. Iayos ang mga ito sa isang baking pan.
  3. Paghaluin ang brown sugar, cinnamon at nuts.
  4. Ibuhos sa gitna ng mga mansanas.
  5. Patakan ng mantikilya ang mga ibabaw.
  6. Ibuhos ang tubig at asukal.
  7. Isalang sa oven na pinainit sa 375°F ng 30 minuto o hanggang maluto ang mansanas.
  8. Pahiran ang mga mansanas ng arnibal habang niluluto.
  9. Ihaing malamig o mainit.