Pumunta sa nilalaman

Pagluluto:Arroz ala Cubana

Mula Wikibooks

Sangkap

[baguhin]
Dami Ilan Sangkap
3 kutsara mantika
3 butil bawang, dinikdik
1 piraso sibuyas, tinadtad
2 piraso kamatis, tinadtad
¼ kilo giniling na baboy
¼ kilo giniling na baka
½ tasa pasas
½ kutsarita asin pantimpla
½ kutsarita paminta pantimpla
3 piraso camote, binalatan at hiniwang palihis
6 piraso saba, hinati sa dalawa
6 piraso itlog
1 tasa mantika pamprito

Paraan ng pagluto

[baguhin]
  1. Painitin ang mantika sa kawali at igisa ang bawang, sibuyas at kamatis.
  2. Idagdag ang giniling at pasas.
  3. Papulahin.
  4. Timplahan ng asin at paminta. Itabi.
  5. Sa isa pang kawali, iprito ang patatas at sba ng hiwalay.
  6. Itabi.
  7. Lutuing "sunny side up" ang mga itlog.
  8. Ilagay ang ginisang giniling sa bandehado.
  9. Itabi dito ang kanin, piniritong saba at patatas.
  10. Ipatong ang nilutong itlog sa ibabaw ng kanin.