Pagluluto:Arroz Ala Valenciana
Itsura
Sangkap
[baguhin]1 ½ | tasa | malagkit na bigas |
1 ½ | tasa | bigas |
1 ½ | kutsarita | asin |
5 | tasa | gata |
½ | tasa | mantika |
1 | buo | dumalagang manok, hiniwa nang katamtamang laki |
½ | kilo | baboy, hiniwa nang katamtamang laki |
2 | kutsara | bawang, pinitpit |
1 | piraso | malaking sibuyas, hiniwa-hiwa |
1 | maliit na lata | tomato sauce |
1 | kutsara | asin |
¼ | kutsarita | pamintang durog |
¼ | kutsarita | paprika |
6 | piraso | patatas, hiniwa sa apat na bahagi at prinito ng bahagya |
1 | maliit na lata | gisantes |
1 | piraso | siling pula, hiniwa nang pahaba |
2 | piraso | nilagang itlog |
1 | tasa | tinadtad na parsley |
buto ng achuete |
Paraan ng pagluto
[baguhin]- Sa isang kawali, pakuluan ang malagkit na bigas kasama ang ordinaryong bigas at gata at timplahan ng asin.
- Haluin ng paminsan-minsan upang hindi dumikit sa kawali.
- Prituhin ang manok at ilagay sa isang tabi.
- Sa parehong mantika, ilagay ang achuete hanggang sa ito'y kumulay.
- Alisin ang buto ng achuete.
- Igisa ang bawang at sibuyas at ibuhos ang tomato sauce.
- Timplahan ng asin at paminta.
- Idagdag ang karne at pakuluan hanggang maluto.
- Idagdag ang ordinaryo at malagkit na bigas.
- Haluing maigi.
- Ilagay ang natitirang sangkap maliban sa itlog at parsley.
- Ihain sa isang malaking plato at palamutian ng itlog at parsley.