Pagluluto:Apritadang Baboy
Pumunta sa nabigasyon
Pumunta sa paghahanap
Sangkap[baguhin]
½ | kilo | karne ng baboy, hiniwang pakuwadrado |
½ | tasa | mantika |
1 | kutsara | tindtad na bawang |
½ | tasa | hiniwang sibuyas |
½ | tasa | tomato sauce |
1 | tasa | tubig |
1 | piraso | katamtamang laki ng siling pula (red bell pepper), hiniwang pakuwadrado |
¼ | kilo | patatas, binalatan at inapat |
1 | kutsarita | asin |
¼ | kutsarita | paminta |
¼ | tasa | arina |
½ | tasa | tubig |
Paraan ng pagluto[baguhin]
- Papulahin ang baboy sa kaunting mantika.
- Hanguin at itabi.
- Igisa ang bawang at sibuyas.
- Idagdag ang tomato sauce at tubig.
- Pagkulo ay isama ang karne at siling pula.
- Palambutin ang karne.
- Idagdag ang patatas.
- Tunawin ang arina sa ½ tasang tubig.
- Paglambot ng patatas ay ibuhos ang tinunaw na arina at timplahan ayon sa panlasa.