Pagluluto:Angel Food Cake

Mula Wikibooks
Jump to navigation Jump to search

Sangkap[baguhin]

1 ⅛ tasa sinalang cake flour
1 tasa asukal
1 ⅔ tasa puti ng itlog
¼ kutsarita asin
1 kutsarita cream of tartar
1 kutsarita vanilla

Paraan ng pagluluto[baguhin]

  1. Painitin ang oven sa 375°F.
  2. Maghanda ng isang 10 inch na tube pan.
  3. Salain ang arina at ⅓ ng asukal ng dalawang beses.
  4. Isantabi.
  5. Sa mangkok, batihin ng mixer ang puti ng itlog kasama ng asin at cream of tartar hanggang umabot sa soft peaks stage.
  6. Dahan-dahang isama ang asukal at ang vanilla habang tuloy-tuloy na binabati hanggang stiff peaks stage.
  7. Alisin sa mixer at ihalo ang sinalang na arina.
  8. Isalin sa hinandang baking pan at isalang sa oven ng 30 minuto o hanggang maluto. Baligtarin ang pan sa isang wire rack.
  9. Palamigin bago tanggalin sa pan.