Pagluluto:Almondigas
Sangkap
[baguhin]1 | tasa | giniling na baboy |
1 | piraso | itlog |
½ | tasa | dinurog na tokwa |
1 | kutsara | mantika |
½ | tasa | miswa |
2 | butil | bawang, dinikdik |
1 | piraso | ginayat na sibuyas |
½ | kutsarita | asin pangpalasa |
1 | kutsara | tinadtad na berdeng sibuyas |
Paraan ng pagluto
[baguhin]- Ihalo ang dinurog na tokwa sa hilaw at giniling na baboy.
- Ilahok ang berdeng sibuyas, itlog, at kinakailangang pangpalasa.
- Bilugin na parang bola-bolang kasing laki ng kalamansi.
- Prituhin ang bawang at sibuyas at idagdag ang 3 tasang tubig.
- Pagkulo ay ihulog ang parang bola-bolang karne ng isa-isa.
- Pagkaluto na ang mga bola-bola, idagdag ang misua at karakaraka ay alisin sa apoy.
- Lagyan ng asin, at paminta para lumasa.