Pagluluto:Adobong Pusit
Itsura
Sangkap
[baguhin]| ½ | kilo | pusit |
| ¼ | tasa | tubig |
| ½ | tasa | suka |
| ½ | kutsarita | pamintang buo |
| ½ | kutsarita | asin |
| 5 | butil | bawang, dinikdik |
| 2 | kutsara | mantika |
| 1 | piraso | maliit na sibuyas, hiniwa |
| 2 | piraso | kamatis, hiniwa |
| ½ | kutsarita | asukal pantimpla |
Paraan ng pagluto
[baguhin]- Linisin at hugasan ang mga pusit. Huwag alisin ang tinta.
- Pakuluan ang pusit sa tubig, suka, paminta, asin, at bawang.
- Takpan at palambutin
- Salain at ihiwalay ang bawang.
- Itabi ang sarsa.
- Sa malaking kawali, igisa ang bawang sa mainit na mantika.
- Isama ang sibuyas at kamatis at hayaang lumambot.
- Idagdag ang pusit at ang itinabing sarsa.
- Timplahan ng kaunting asukal.
- Pakuluan hanggang kumonti ang sarsa.