Pagluluto:Adobong Manok sa Gata

Mula Wikibooks

Sangkap[baguhin]

1 kilo manok, hiniwang katamtaman ang laki
¼ kutsarita asin
¼ tasa toyo
¼ kutsarita pamintang buo
1 ulo bawang, tinadtad
1 tasa suka
1 tasa kakang gata
3 piraso siling haba

Paraan ng pagluto[baguhin]

  1. Paghaluin sa kaserola ang manok, asin, toyo, paminta, bawang at suka.
  2. Hinaan ang apoy at hayaang lumambot ang manok.
  3. Ibuhos ang gata at sili.
  4. Lutuin hanggang lumapot ang sarsa.