Pagluluto:Adobong Labong
Itsura
Sangkap
[baguhin]3 | tasa | labong, ginayat na manipis at binanlian |
1 | tasa | ginayat na tokwa |
5 | butil | bawang, dinikdik |
4 | kutsara | katas ng kalamansi |
1 | kutsarita | asin pangpalasa |
1 | piraso | kainamang laki ng sibuyas, ginayat |
1 ½ | kutsara | toyo |
5 | kutsara | mantika |
Paraan ng pagluto
[baguhin]- Papulahin ang bawang at sibuyas sa mantika.
- Idagdag ang tokwa.
- Patuloy na lutuin ang timpladang ito na laging hinahalo.
- Idagdag ang toyo at labong.
- Bayaan sa apoy hanggang sa maluto ang labong.
- Maaring idagdag ng 1 tasang tubig at 1/3 tasang toyo kung hindi pa luto ang labong.
- Idagdag ang katas ng kalamansi at patuloy na lutuin na hindi kumukulo hanggang sa halos lahat ng sabaw ay mangalahati.
- Idagdag ang mantika at ipagpatuloy na lutuin ng mga 6 na minuto pa.
- Lagyan ng asin upang magkalasa.