Pagluluto:Adobong Gulay
Itsura
Sangkap
[baguhin]| 1 | tungkos | kangkong, pinaghiwalay ang tangkay at dahon at hiniwang 2" ang haba |
| 1 | tali | sitaw, hiniwang 2" ang haba |
| 2 | kutsara | mantika |
| 2 | butil | bawang, tinadtad |
| 1 | piraso | maliit na sibuyas, hiniwang pakuwadrado |
| ½ | tasa | hiniwang karne ng baboy |
| 6 | piraso | pamintang buom dinurog |
| 2 | kutsara | toyo |
| 1 | kutsarita | asukal |
| ½ | tasa | tubig |
| ¼ | tasa | suka |
Paraan ng pagluto
[baguhin]- Sa kawali ay painitin ang mantika at igisa ang bawang, sibuyas at karne.
- Isama ang mga pantimpla (maliban sa suka).
- Ibuhos ang tubig at hayaang kumulo.
- Hinaan ang apoy.
- Idagdag ang tangkay ng kangkong at sitaw.
- Palambutin at pagkatapos ay isama ang mga dahon at ang suka.
- Pakuluin uli ng hindi hinahalo.