Pagluluto:Adobong Baboy
Itsura
Sangkap
[baguhin]1 | kilo | karne ng baboy, hiniwang pakuwadrado |
⅓ | tasa | suka |
2 | kutsara | dinikdik na bawang |
1 | piraso | laurel, dinurog |
3 | kutsara | toyo |
1 | kutsarita | asin pantimpla |
1 | tasa | tubig |
1 | kutsara | mantika |
Paraan ng pagluto
[baguhin]- Pagsamahin sa kaserola ang karne ng baboy, suka, isang kutsara ng bawang, laurel, toyo, asin at paminta.
- Pakuluin, pagkatapos ay hinaan ang apoy at lutuin hanggang lumambot.
- Kapag natuyuan ay magdagdag ng tubig.
- Kapag malambot na ang baboy ay alisin na ito sa sarsa.
- Sa isang kawali, igisa ang natitirang bawang. Idagdag ang itinabing baboy at lutuin hanggang matusta.
- Ibuhos ang sarsa o pinaglutuan ng baboy. Pakuluin.
Maari ring dagdagan ng ½ kutsarang asukal para bawasan ang asim ng suka.