Pagluluto:Abitsuelas Guisado
Itsura
Sangkap
[baguhin]| 2 | kutsara | mantika |
| 3 | butil | bawang, dinikdik |
| ½ | tasa | hiniwang sibuyas |
| ½ | tasa | hiniwang kamatis |
| ½ | tasa | karne ng baboy, hiniwang pakuwadrado |
| ¼ | tasa | binalatang hipon |
| ¼ | kilo | abitsuelas (baguio beans), pinutol ng 1" ang haba |
| 1 | tasa | katas ng hipon |
| ½ | kutsarita | asin pantimpla |
| ½ | kutsarita | paminta pantimpla |
Paraan ng pagluto
[baguhin]- Painitin ang mantika sa kaserola at igisa ang bawang, sibuyas at kamatis.
- Idagdag ang karne at papulahin.
- Isama ang hipon abitsuelas.
- Ibuhos ang katas ng hipon.
- Hayaang maluto ang gulay.
- Timplahan ayon sa panlasa.